PINATAWAN ng PBA si Larry Muyang ng indefinite ban bunsod ng paglabag sa kanyang orihinal na kontrata sa kanyang mother club na Phoenix.
Inanunsyo ng liga ang sanction, matapos maglaro si Muyang para sa Pampanga Giant Lanterns sa Season 87 ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Justin Brownlee, pangungunahan ang 18-Man Pool ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
Barangay Ginebra, natakasan ang Phoenix sa nagpapatuloy na Philippine Cup
Hidilyn Diaz, pangungunahan ang Philippine Weightlifting Team sa Thailand SEA Games
Alas Pilipinas Player Ike Andrew Barilea, pumanaw sa edad na 21
Ayon sa management ng Phoenix, mayroong live contract sa kanila ang 6-foot-6 na player, na mag-e-expire pa sa Mayo.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na labis ang pagsisisi ni Muyang matapos ang insidente, subalit hindi niya inaalis ang posibilidad na maghain ng lawsuit ang Phoenix laban sa manlalaro.
Sakali rin aniya na magkaayos si Muyang at ang Phoenix, may kailangan ding ayusin ang player sa PBA Board of Governors para maibalik ito sa liga.
