Na-rekober ng Philippine Coast Guard ang pinaniniwalaang debris ng rocket na may markang People’s Republic of China sa baybayin ng Sitio Gunting, Barangay Bonbon, Looc, Occidental Mindoro.
Nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Sub-Station Lubang mula sa isang mangingisda na nakakita ng debris na pinaniniwalaang mula sa Long March 7A rocket na inilunsad ng China kamakailan.
Kinumpirma naman ng PCG at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office PDRRMO ang pagkaka-rekober sa debris na mayroong lapad na 10 feet at haba na 14 feet – gawa ito sa alloy ay may watawat ng China.
Dinala sa bayan ng Lubang ang debris ng rocket para sa proper disposition.
Patuloy naman ang paalala ng Coast Guard sa mga mangingisda at sa mga residente malapit sa baybaying dagat na agad ireport sa mga otoridad kung may makikitang kakaibang bagay sa katubigan na posibleng debris ng rocket.