NANINIWALA si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na dinaya ang Bidding Process sa ilang Flood Control Projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa Briefing, sinabi ni Santiago na pito o walo mula sa labinlimang contractors na tumanggap ng malaking bahagi ng Total Budget sa Flood Control Projects, ang mayroong magkakaparehong Set of Officers.
ICI at AMLC, pumirma ng kasunduan sa gitna ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects
Zaldy Co at Rep. Martin Romualdez, iimbitahan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
Paglipat ng Flood Control Project Funds sa edukasyon, suportado ng Budget Department
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
Nangangahulugan aniya ito na kahit na sino sa pito o walong contractors ang manalo sa Bidding, ay sa kanila pa rin mapupunta ang kontrata.
Gayunman, tumanggi ang NBI chief na pangalanan ang mga sangkot na contractor.
Kabilang sa Top 15 na naunang tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corp., na kapwa pag-aari ng mag-asawang Curlee at Sara Discaya.