ITINANGGI ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinadyang banggain ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Vessel ang barko ng China Coast Guard (CCG) sa Scarborough Shoal.
Sa Press Conference, pinabulaanan ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela ang pahayag ng Beijing na binangga ng BRP Datu Gumbay Piang ng BFAR ang CCG Ship, noong Martes
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Aniya, walang banggaan na nangyari at ang BFAR Vessel na hindi naman gumagalaw ang inatake ng Water Cannon ng dalawang barko ng CCG.
Idinagdag ni Tarriela na biglang lumiko ang isang barko ng China, sapat para madikit ito sa Bow ng BFAR Vessel.
Ayon sa PCG, nagsasagawa ang BRP Datu Gumbay Piang ng Resupply Mission nang mangyari ang Harassment na nagresulta sa pagkasira ng kanilang barko at pagkasugat ng isang tripulante.
