BINAWASAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kanilang Panukalang Budget para sa 2026.
Mula sa mahigit 881 billion pesos ay ibinaba ng DPWH sa 625 billion pesos ang kanilang Proposed Budget para sa susunod na taon, o nasa 255 billion pesos na kabawasan.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na tinanggal nila ang lahat ng Locally Funded Flood Control Projects at tinugunan ang mga isyu na lumitaw sa inisyal na bersyon ng Budget, gaya ng pagpopondo sa mga nakumpleto na at naulit na mga proyekto.
Inihayag ni Dizon na ang Main Highlight ng ginawa nilang Revision ay ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang lahat ng Locally Funded Flood Control Projects na nagkakahalaga ng 252 billion pesos.
Ayon sa kalihim, inirekomenda rin ng pangulo sa Kongreso na ilipat ang na-save na 255 billion pesos sa mga programa at proyekto sa Agrikultura, Edukasyon, Healthcare, Housing, Labor, Social Welfare, at Information and Technology Sectors.
