SINAMPAHAN ng reklamo ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief, Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, sa department of justice (DOJ) si dating pangulong rodrigo duterte, kasunod ng pahayag nitong pagpapapatay sa mga nakaupong senador.
Sa ambush interview, sinabi ni Torre na ang inihain niyang reklamo para sa case build-up ay para sa unlawful utterances at inciting to sedition.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Binigyang diin ng heneral na bagong pilipinas na, kaya hindi na pwede aniya ang mga klase ng salita ng dating pangulo at pagkatapos ay sasabihin na biro lang. Kasunod ng pahayag ng dating pangulo ay ikinatwiran ni Senador Ronald Dela Rosa na tumatakbong reelectionist sa ilalim ng PDP laban party ni Duterte, na nagbibiro lamang ang dating punong ehekutibo
