INAPRUBAHAN ng NCR Wage Board ang dagdag na P50 na Minimum Wage Increase sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido E. Laguesma, inaasahang aabot sa 1.2 million na Minimum Wage Earners sa National Capital Region (NCR) ang makikinabang sa Dagdag Sahod.
Ang Dagdag Sahod ay inaprubahan unanimously ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa ilalim ng Wage Order No. 26.
Dahil sa bagong kautusan ng Wage Board, ang Daily Minimum Wage Rate sa NCR ay magiging P695 na mula sa dating P645 para sa Non-Agriculture Sector, at P658 mula sa dating P608 para sa Agriculture Sector, service at retail establishments na mayroong 15 pababa na empleyado at manufacturing establishments na mayroong 10 pababa na empleyado.
Epektibo ang Wage Hike sa July 18, 2025.