PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng Rice Processing System (RPS) II Facility at pag-turnover ng Farm Machinery sa Science City of Munoz, Nueva Ecija.
Layunin ng State-of-the-Art Facility na palakasin ang produksyon ng mga magsasaka, profitability, at global competitiveness sa pamamagitan ng pagpapalawak ng access sa Modern Production at Post-Production Mechanization Technologies.
Makikita sa RPS II Facility ang isang Multi-Stage Rice Mill na may processing capacity na 2-3 tons per hour, na may components, gaya ng pre-cleaner, de-stoner, huller, at isang air-conditioned control room, at iba pa.
Kabilang din ang dalawang Stainless Steel Recirculating Dryers, na ang bawat isa ay kayang tumangga ng 12 tons per batch, kasama ang isang generator set, tools, at iba pang essential accessories.
Ang naturang pasilidad ay inaasahang pakikinabanagan ng animnalibong mga magsasaka na nagtatanim sa may kabuuang siyamnalibo dalawandaang ektarya sa buong Science City of Munoz.