KINUMPIRMA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maghahain siya ng kanyang aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon ng Ombudsman.
Sa ambush interview, sinabi ni Remula na magsusumite siya ng kanyang aplikasyon, bago o sa Biyernes.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Idinagdag ng kalihim na marami siyang maiaambag kapag nakuha niya ang naturang posisyon.
Batay sa anunsyo ng JBC, ang deadline sa pagsusumite ng online applications ay sa Biyernes, July 4, 4:30 ng hapon.
Magtatapos na kasi ang termino ni Ombudsman Samuel Martires sa July 27.
