Walang balak si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na magpatupad ng Suggested Retail Price (SRP) sa bigas at iba pang farm products.
Hindi pinatulan ni Laurel ang ideya na SRP, gaya ng isinasaad sa Republic Act 7581 o Price Act.
Ani Laurel, dahil sa El Niño, natural na hindi maging stable ang presyo ng bigas at iba pang agri products.
Layunin ng Price Act Law na bigyan ng kapangyatihan ang DA na gawing stabilize ang presyo ng farm products gaya ng bigas, isda, karne, poultry, fertilizer sa oras ng emergency.