11 November 2025
Calbayog City
National

PNP, mayroon nang lead sa pagpaslang sa beteranong mamamahayag at dating alkalde na si Johnny Dayang

PATULOY ang pangangalap ng mga ebidensya ng PNP upang matukoy ang motibo sa pagpaslang sa dating mayor ng Kalibo, Aklan at beteranong mamamahayag na si Johnny Dayang.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, may sinusundang magandang lead ang Special Investigation Task Group, at nagsasagawa rin ng back-tacking sa mga CCTV footage, upang malaman ang mga huling pinuntahan ni Dayang, gayundin ang pagkuha ng salaysay sa mga testigo at kaanak ng biktima.

Tinitingnan din ng pulisya ang lahat ng anggulo, kabilang na ang pagiging mamamahayag ni Dayang at kung may sinusuporatahan itong kandidato sa nalalapit na halalan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).