NANATILI sa deficit ang fiscal balance ng gobyerno sa unang tatlong buwan ng 2025.
Sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury, nakapagtala ang national government ng budget deficit. Na 478.8 billion pesos simula Enero hanggang Marso.
Mas mataas ito ng 75.62% mula sa 272.6 billion pesos na nai-record sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang fiscal outturn ay kasabay ng pagtaas ng public spending na nasa 1.477 trillion pesos laban sa state collection na 998.2 billion pesos sa unang quarter ng taon.