Plano ng Department of Agriculture (DA) na dagdagan ang Public-Private Partnership (PPP) projects upang palakasin ang local agriculture at fisheries sector at maisulong patungo sa industriyalisasyon.
Binigyang diin ni DA Undersecretary for Policy, Planning and Regulations Mercedita Sombilla na PPP ang kinakailangang paraan para makatulong sa pagpapalakas ng agricultural production ng bansa.
Sa harap ng hamon ng climate change, nanawagan si Sombilla sa mga nasa agriculture at fisheries sector na mag-isip ng mga “out-of-the-box” strategies at projects na magiging kapaki-pakinabang para sa lahat.
Idinagdag ng opisyal na mayroong PPP unit sa DA, at umaasa siyang lahat ng regional offices ay magkakaroon ng mga hakbang para pag-aralan ang mga proyekto na maaring ipatupad sa pamamagitan ng PPP.