PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang surveillance activities sa apat na lugar sa Northern at Eastern Samar na may mga kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF).
Tinukoy bilang ASF red zones o may mga aktibong kaso ang pitong barangay sa mga bayan ng Bobon, Laoang, at Palapag sa Northern Samar; at Borongan City sa Eastern Samar.
Ang mga kaso sa mga nabanggit na lugar ay na-detect sa nakalipas na dalawang buwan.
Ayon kay Vince Pantonino, Senior Veterinarian ng DA Regional Regulatory Division, kabilang ang mga naturang lugar sa dalawampu’t pitong bayan at lungsod sa buong bansa na may confirmed ASF cases.