20 May 2025
Calbayog City
Local

Calbayog City, nakipag-partner sa GCash para sa online payment ng transaksyon sa LGU

BILANG bahagi ng hakbang upang gawing smart city ang Calbayog, nakipagpulong si Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga kinatawan ng GCash.

Ito ay upang talakayin ang potential partnership para sa online payments sa city government.

Sa meeting ay pinag-usapan nina Mayor Mon at Amed Macabit, GCash Officer at Eastern Visayas Area Manager, ang detalye tungkol sa panukalang kolaborasyon.

Dumalo rin sa pulong sina City Administrator Augusto Magdaraog, BPLO Chief Atty. Michael Costelo, Raul Rosales ng MIS, City Councilor Marc Celino Tan, at Engr. Julie Cunanan, CEO ng Systems & Plan Integrator & Development Corporation, na nagpo-provide ng application software services sa lungsod.

Layunin ng partnership na pagbutihin ang efficiency at pabilisin ang payment process para sa iba’t ibang local government transactions, bilang suporta sa ongoing digitalization efforts sa Calbayog City.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).