24 June 2025
Calbayog City
National

DA, ginawang triple ang buwanang alokasyon para sa 29 pesos per kilo rice program

MAARI nang makabili ang mga benepisyaryo ng bente nueve pesos na kada kilo ng bigas ng hanggang tatlumpung kilo ng bigas kada buwan.

Ito’y makaraang triplehin ng Department of Agriculture (DA) ang monthly allocation para sa naturang programa.

Ginawa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang anunsyo sa “Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas.”

Sinabi ng kalihim na ang bagong polisiya ay agad ipatutupad sa buong bansa.

Dahil dito, hinimok ni Tiu Laurel ang mga benepisyaryo na samantalahin ang bagong polisiya.

Available ang 29 pesos na per kilo ng bigas sa kadiwa stores at centers, na ang mga benepisyaryo ay mula sa vulnerable sectors, gaya ng senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at indigents.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).