KINUMPIRMA ni Jeric Raval na may dalawang anak na ang kanyang anak na si AJ Raval at partner nitong si Aljur Abrenica, na paulit-ulit na itinanggi noon ng dalawa.
Ginawa ni Jeric ang rebelasyon sa Press Interview, matapos siyang manalo ng Best Supporting Actor Award sa 73rd FAMAS sa ilalim ng pelikulang “Mamay: A Journey to Greatness.”
ALSO READ:
Ibinahagi ng aktor na mayroon nang labinlimang apo, na isang lalaki at isang babae ang apo niya kina AJ at Aljur.
Aniya, ang tawag niya sa lalaking apo na 1 year and 2 months old ay Al Junior, at malaki ang pagkakahawig sa kanya, habang babae naman ay 9 months old.
Bukod sa kanyang mga anak kay AJ, may dalawa ring anak na lalaki si Aljur mula sa dating asawa na si Kylie Padilla.




