IPINAALALA muli ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko na maari pa rin tanggapin ang folded o may tuping 1,000-Peso polymer banknotes o tinatawag ding plastic bills.
Nag-isyu ng joint advisory ang BSP kasama ang DTI, DILG, at LTFRB, sa gitna ng mga report na ilang indibidwal at establisyimento ang tumatanggi sa folded plastic bills sa panniniwalang hindi na ito maaring tanggapin.
Sinabi ng BSP na naglabas silang muli ng advisory upang maliwanagan ang mamamayan.
Nagbabala rin ang Central Bank na ang hindi pagtupad ay may katapat na parusa na hanggang sampung taong pagkabilanggo.