NASABAT ang P340,000 na halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Rawis, Calbayog City, bandang alas sais ng gabi, December 11, 2025.
Arestado ang isang High Value Individual (HVI) na si alyas “Migmig,” 37 anyos.
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Ang operasyon ay ikinasa ng Philippine National Police Drug Enforcement Group–Special Operations Unit 8 (PNP DEG–SOU 8) katuwang ang Calbayog City Police Station.
Maliban sa buy-bust money at 8 sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha rin sa suspek ang isang belt bag, cellphone, at ang ginamit umanong Rusi Neptune motorcycle sa transaksyon.
Si Migmig na dati nang naaresto noong 2023 sa parehong kaso ay nasa kustodiya ng Calbayog City Police Station at sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165.
