Nagbitiw si Vice President sara Duterte bilang miyembro ng gabinete.
Nag-resign si Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at bilang Vice Chairperson ng NTF-ELCAC ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).
Sinabi ng PCO na epektibo ang pagbibitiw, July 19.
Ayon sa PCO, walang ibinigay na rason si Duterte sa kaniyang pagbibitiw sa dalawang pwesto.
Magpapatuloy namang manilbihan si Sara Duterte bilang Vice President.