NAIHANDA na ng Department of Agriculture ang nasa walumpung porsyento ng binhi ng palay at mga pataba para sa mga magsasaka bago pa man ang kasagsagan ng tag-ulan sa ikalawang bahagi ng taon.
Sinabi ni DA-8 (Eastern Visayas) Regional Executive Director Andrew Orais na maari nang pick-up-in ang mga ipamamahaging binhi mula sa mga tindahan na accredited ng kanilang opisina sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Para sa May to October 2024 Cropping Season, target ng DA na makapag-pamahagi ng 27,910 bags ng high yielding hybrid rice seeds at 43,920 bags ng fertilizer.
Bilang paghahanda sa malalakas na pag-ulan bunsod ng pagdating ng La Niña phenomenon, inatasan ng DA Main Office ang kanilang field offices sa buong bansa na maghanda sa matinding epekto ng matinding pag-ulan na inaasahang magdudulot ng mas malaking agricultural damage kumpara sa El Niño.
