NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa paghango, pagbebenta, at pagkain ng shellfish, gaya ng talaba, tahong, at alamang, mula sa coastal waters ng Guiuan, Eastern Samar.
Ito’y makaraang lumabas sa pinakahuling pagsusuri ng BFAR 8 – Marine Biotoxin Laboratory na positibo ang katubigan ng guiuan sa nakalalasong Red Tide.
Nilinaw naman ng ahensya na ligtas pa rin namang kainin ang iba pang mga lamang dagat gaya ng mga isda, pusit, alimango, at hipon basta’t sariwa ang mga ito at alisin ang mga hasang at bituka saka hugasang mabuti bago iluto.