LUMA na ang larawang kumakalat sa social media kaugnay sa pagsasagawa ng Air Drop Rotation Resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang nasabing larawan na kumakalat social media ay ginamit sa isang artikulo noon pang December 26, 2021.
ALSO READ:
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Ginamit ang larawan sa artikulong ng Inquirer.net noong Dec. 26, 2021 hinggil sa pagdadala ng suplay sa West Philippine Sea.
Ayon sa AFP, ang artikulo ay may kaugnayan sa Christmas mission noon ng AFP.
Nilinaw ng AFP na walang kaugnayan ang larawan sa kasalukuyang mga hakbang sa West Philippine Sea.
