NAGSASAGAWA ang Civil Service Commission (CSC) Samar Field Office, sa pakikipagtulugan ng LGU Calbayog, sa pamamagitan ng City Human Resource and Management Office, ng dalawang araw na On-Site Acceptance of Applications.
Para ito sa March 8, 2026 Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT), na isinasagawa sa CEO Conference Room, sa Calbayog City Hall, na nagsimula kahapon hanggang ngayong Huwebes.
1 pang bayan sa Samar, idineklarang Insurgency-Free
Sangguniang Panlungsod ng Calbayog, inamyendahan ang naunang resolusyon sa GWEC Project
Philippine Red Cross Western Samar, naglunsad ng training hinggil sa Forecast-Based Anticipatory Action
Water System na pinondohan ng World Bank, pakikinabangan ng mahigit 8,000 residente sa Leyte
Kahapon ay bumisita si Mayor Raymund “Monmon” uy sa naturang aktibidad upang ipakita ang kanyang buong suporta, at pagtibayin ang commitment ng lungsod upang gawing mas accessible ang Civil Service Eligibility sa mga Calbayognon.
Pinangunahan ni CSC Samar Field Office Director Rey Albert Uy ang pagkuha ng aplikasyon, at nakipag-usap sa mga aplikante, at para tiyakin ang maayos ang event. Ang mataas na turnout ay repleksyon ng lumalawak na demand para sa Civil Service Eligibility at binigyang diin ang kahandaan ng Calbayog na magsilbi bilang host site para sa CSC Examinations sa hinaharap.
