TUMAAS ang inflation rate noong Hulyo sa gitna ng bumilis na pag-angat ng presyo ng serbisyo, pagkain, at transportasyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa press conference, sinabi ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa na bumilis ang inflation sa 4.4 percent noong nakaraang buwan, mas mabilis ito kumpara sa 3.7 percent noong Hunyo.
Dahil dito, naitala sa 3.7 percent ang inflation simula enero hanggang hulyo, na pasok pa rin naman sa 2% hanggang 4% ceiling ng pamahalaan.
Pasok din ito sa forecast range na 4% hanggang 4.8% ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Inihayag ni Mapa na ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation noong Hulyo ay ang mabilis na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas and other fuels.