18 March 2025
Calbayog City
National

Retail prices ng bigas, inaasahang bababa ngayong Agosto, ayon sa PSA

INAASAHANG bababa ang retail prices ng bigas ngayong Agosto bunsod ng pinagsamang mga epekto at pagtapyas ng taripa sa imported rice, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sinabi ni PSA Chief Claire Dennis Mapa na epektibo na noong Hulyo ang pagbaba ng tariff rates, kaya posibleng maramdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas ngayong buwan.

Una nang inihayag ng PSA na ang pagbabawas ng taripa sa imported rice ay maaring magpababa sa retail price ng anim hanggang pitong piso kada kilo.

Gayunman, inihayag ni Mapa na ang tinapyas na presyo na tinaya noong Hulyo ay hindi  naramdaman, subalit bumagal ang rice inflation sa 20.9% noong nakaraang buwan mula sa 22.5% noong Hunyo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).