NORMAL na ang operasyon sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa kasunod ng pananalasa ng bagyong Carina at habagat na nagdulot ng malakas na mga pag-ulan at pagbaha.
Sinabi ng Department of Education na bukas na ang lahat ng paaralan sa buong bansa kahapon at wala na ring mga eskwelahan na ginagamit bilang evacuation center.
Ginamit ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ang ilang paaralan bilang evacuation centers para sa libu-libong residente na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.
Dahil sa masamang panahon, ilang mga paaralan ang nakapagbukas lamang ng klase, noong Lunes, mula sa orihinal na class opening noong July 29.