Nasunog ang isang commercial building sa Quiapo, Maynila.
Nagsimula ang sunog pasado 6:00 ng umaga kahapon sa ikatlong palapag ng gusali na nasa bahagi ng Globo de Oro Street.
Umabot sa second alarm ang sunog bago tuluyang naapula makalipas ang dalawang oras.
Wala namang napaulat na nasaktan dahil sa nasabing sunog.
Sa datos ng BFP-Manila, aabot sa tatlumpung pamilya ang naapektuhan.