30 October 2025
Calbayog City
Province

COMELEC Division, kinansela ang COC ng gobernador ng Albay

KINANSELA ng COMELEC Second Division ang Certificate of Candidacy (COC) ni Albay Governor Noel Rosal para sa 2025 Elections at idineklara ang kanyang mga boto bilang “Stray.”

Batay sa resolusyon, kinatigan ng Second Division ng Poll Body ang petisyon na inihain ni Adrian Loterte, na nagsabing Ineligible na kumandidato si Rosal bilang Albay governor.

Ito ay dahil pinatawan ito ng Ombudsman na Guilty sa Grave Misconduct at dinismis mula sa serbisyo.

Iginiit ng petitioner na hindi pa naman binabaliktad o isinasantabi ang July 2024 Ruling ng Ombudsman.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).