NAGBABALA si Mamamayang Liberal Partylist Representative Leila De Lima na maaaring maharap sa Impeachment si Commission on Audit Commissioner Mario Lipana dahil sa pagiging contractor ng asawa nito.
Ang asawa ni Lipana ay kabilang sa nadadawit sa mga maanomalyang Flood Control Projects ng Department of Public Works and Highways.
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bbagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Ayon kay De Lima malinaw na mayroong Conflict of Interest dahil si Lipana ay kasakuluyang COA commissioner at ang asawa nito ay nangongontrata sa Government Projects.
Sa pagharap sa Pagdinig ng House Committee on Appropriations sinabi naman ni COA Chairman Gamaliel Cordoba na kasalukuyang naka-medical leave si Lipana.
Para naman kay ACT Teachers Party-List Representative Antonio Tinio, dapat magbitiw na sa kaniyang pwesto sa COA si Lipana.
Ang asawa ni Lipana na si Marilou ay presidente at general manager ng Olympus Mining and Builders Group Philippines Corporation at nakakuha umano ng 200 million pesos na halaga ng Flood Control Projects sa DPWH.