NAGSAGAWA ang Calbayog City government, katuwang ang partnerships in Environmental Management for the Seas in East Asia (PEMSEA) ng Synchronized Clean-up sa kanilang coastal barangays bilang paggunita sa World Ocean Day.
Nakiisa rin ang non-coastal barangays, mga opisyal ng barangay at residente ng kani-kanilang paglilinis sa mga ilog, estero, at iba pang mga daluyan ng tubig.
Sa pangunguna ni Mayor Monmon Uy na sinamahan ng iba pang mga opisyal ng lungsod, hindi nila inalintana ang mahinang pag-ambon para isakatuparan ang sabayang paglilinis sa lahat ng coastal barangays.
Tinaya sa mahigit apatnalibong volunteers ang nakiisa sa aktibidad, kung saan sako-sakong mga basura mula sa dalampasigan ang kanilang nakolekta.