BIBIGYANG prayoridad ang Leyte- and Samar-bound cargo trucks ng Roll-On, Roll-Off vessels sa Amandayehan Port sa Basey, Samar, sa sandaling maging operational ito ngayong linggo, ayon sa isang opisyal ng Eastern Visayas.
Sinabi ni Lord Byron Torrecarion, chairman ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at Concurrent Office of Civil Defense Regional Director, na dahil sa inaasahang operasyon ng bagong improved na port, kailangang planuhin ang mga paraan para maiwasan ang port congestion sa Tacloban City at Samar Ports.
Sa pagbubukas ng Amandayehan Port ngayong linggo, inaasahang dodoble ang bilang ng mga truck na tatawid sa pagitan ng mga isla ng Leyte at Samar, sa gitna ng ipinatutupad na Three-Ton Load Limit sa San Juanico Bridge.
Ang Tacloban-Amandayehan ang pinakamaiksing route option mula Samar patungong Tacloban para sa mabibigat na truck, na pinagbawalang tumawid sa 2.16-kilometer na San Juanico Bridge simula noong May 15.