IBINAHAGI ni Tom Rodriguez ang ilang litrato kasama ang kanyang pamilya sa social media sa unang pagkakataon, subalit hindi niya ipinakita ang mga mukha ng kanyang partner at kanilang anak.
Isa sa mga litrato ay karga ng aktor ang kanyang anak na lalaki sa isang kamay habang hinahalikan sa ulo ang kanyang partner, at pare-pareho silang nakatalikod sa camera.
ALSO READ:
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Binigyang diin ni Tom na masyadong takot ang kanyang pamilya para lumantad subalit hindi aniya ito nangangahulugan na itatago niya ang kanyang mag-ina.
Binanggit din ni Tom sa caption na ang kanyang pamilya ang kanyang santuwaryo at kapayapaan.
