Umakyat ng 21.87 percent ang mga subsidiya na ipinagkaloob sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCS) noong Agosto, ayon sa Bureau of Treasury.
Batay sa tala, tumaas sa 18.933 billion pesos ang budgetary support sa GOCCS noong ikawalong buwan kumpara sa 15.536 billion pesos na naitala noong August 2022.
Mas mababa naman ito ng 43 percent mula sa 33.238 billion pesos noong Hulyo.
Ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang top recipient noong agosto na tumanggap ng 12.931 billion pesos o 68.3 percent ng kabuuang subsidiya.