WALANG karapatan ang China na magkomento sa desisyon ng Philippine Military sa loob ng teritoryo ng bansa.
Pahayag ito ng Department of National Defense, matapos magbabala ang Beijing laban sa plano ng Pilipinas na dagdagan ang presensya ng militar sa Batanes na nasa pinakadulong hilaga ng bansa.
Una nang sinabi ng ahensya na plano nilang magtayo pa ng mga istruktura sa Batanes bilang bahagi ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept upang matugunan ang mga kakulangan sa depensa ng Pilipinas.
Nanawagan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. para sa development ng karagdagang sites sa Batanes makaraang inspeksyunin ang naval detachments sa Basco at Mavulis, Itbayat Airport, at Multi-Agency Facility sa Mahatao.