3 April 2025
Calbayog City
Local

Childcare Facility sa Biliran, kinilala sa pagkakaroon ng mataas na standards

PINURI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Childcare Facility sa Biliran na Bahay Pag-asa Center dahil sa pag-abot sa level 3 accreditation.

Ito ang kauna-unahang institusyon sa mga kagaya nito sa bansa na tumanggap ng naturang pagkilala.

Ang level 3 accreditation ay ipinagkakaloob sa isang child-caring institution, gaya ng para sa Child in Conflict with the Law (CICL) na nakaabot sa pinakamataas na standard sa key areas.

Kinabibilangan ito ng governance, case management, intervention programs, at sustainable management para sa rehabilitation programs na esklusibo sa CICL.

Alinsunod sa Republic Act 9344, o mas kilala bilang Juvenile Justice and Welfare Act, obligado ang mga lalawigan at highly urbanized cities na magkaroon ng Bahay Pag-asa Center.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).