PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang ribbon-cutting ceremony para sa bagong covered court sa Barangay San Jose.
Idinaos ang seremonya kahapon, kung saan si Rev. Father Jeffrey Singson ang nagbasbas sa court.
Ang phase 1 ng proyekto ay pinondohan ng Province of Samar habang ang phase 2 ay kinumpleto ng Calbayog Local Government Unit sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Mon.
Isa ito sa apat na covered court na pinasinayaan kahapon.