TINANGGAL sa pwesto ang Chief of Police ng Lavezares Municipal Police Station sa Northern Samar matapos mag viral sa social media ang video kung saan ginamit nito ang Service Firearm bilang hudyat ng pagsisimula ng Boat Race, sa pagdiriwang ng kapistahan sa naturang bayan.
Sa Special Order na nilagdaan ni Northern Samar Police Provincial Office Director Col. Sonnie Omengan, inilipat si Police Master Sergeant Jimmy Florano sa Personnel Holding and Accounting Unit ng Provincial Headquarters, kasunod ng insidente.
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Sa Statement, binigyang diin ng PNP na ang paggamit ng Service Firearm sa Local Festival ay hindi katanggap-tanggap at malinaw na paglabag sa Protocols sa paggamit ng baril.
Ipinaalala rin ng PNP sa lahat ng Uniformed Personnel na ang inisyu sa kanilang baril ay mahalagang gamit sa pagpapatupad ng batas at dapat ingatan nang may disiplina at responsibilidad sa lahat ng oras.
