PINATUNAYAN muli ni Evol Louise Abrito Millares kung bakit karapat-dapat siya sa titulong Poomsae Queen ng Eastern Visayas.
Ito’y matapos masungkit ni Millares ang gold medal sa individual Poomsae sa Eastern Visayas Athletic Meet 2025 sa Tacloban City.
ALSO READ:
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Una nang nanalo si Millares ng gold medal sa Poomsae noong 2018, 2019, at 2023, bagaman noong nakaraang taon ay nakakuha lamang siya ng silver medal.
Dahil sa kanyang mga tagumpay ay ilang beses siyang naging kinatawan ng rehiyon sa palarong pambansa.
Si Millares ay naging taekwondo jin sa edad na lima at simula noon ay lumahok na ito sa iba’t ibang kompetisyon.
