MAGPAPATUPAD ang Calbayog Water ng service interruption ngayong araw, Sept. 14, maging sa Sept. 18, 25 at 29, simula alas nueve ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.
Dahil ito sa isasagawang pressure management para sa leak detection activity sa Brgy. Carayman.
Kabilang sa mga mawawalan ng supply ng tubig sa mga nabanggit na petsa ang mga Barangay Limarayon, Dinagan, Mabini, Lonoy, Tomaligues, Saljag, Tinambacan, Obrero, Capoocan, Carmen, Balud, Hamorawon, Nijaga, Burabod, Cautod, at Monbon.