Nagpaabot ng pasasalamat ang Calbayog Supersonics kina Samar Governor Sharee Ann Tan at Samar 1st District Rep. Stephen James Tan sa pagbibigay ng financial incentives sa mga atletang nanalo ng medalya sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) 2024.
Ang mga nakapag-uwi ng gintong medalya ay pinagkalooban ng limanlibong piso habang ang mga silver medalist ay mayroong 3,000 pesos at ang bronze medalist ay tumanggap ng 1,000 pesos.
Sa facebook post, sinabi ng Calbayog Supersonics na ang suportang ibinigay ng gobernador at kongresista ay hindi lamang inspirasyon ngayon, kundi pati sa mga susunod na pagkakataon.
Binati rin ng Calbayog Supersonics si Governor Tan na nagdiwang ng kanyang kaarawan.