OPISYAL na inilunsad ng Civil Service Commission (CSC), sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Calbayog City, ang dalawang araw na Submission Assistance Activity.
Para ito sa Career Service Examination – Paper Pencil Test (CSE-PPT) na itinakda sa Aug. 10, 2025.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Kahapon ay matiyagang pumila ang aspiring examinees sa conference room ng City Engineering Office, para magsumite ng kanilang mga dokumento.
Maaring magsumite ang mga aplikante ng kanilang mga dokumento sa pagitan ng alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon sa Engineering Conference Hall, sa City Hall Compound.
Kailangang magdala ang mga aplikante ng apat na passport-size ID photos na may name tag, isang valid ID (original at photocopy para sa Verification), at magtungo sa assistance desk para matanggap ang kanilang System-Generated na application form.
