NAGHAIN ng Not Guilty Plea ang direktor na si Darryl Yap sa Cyberlibel Case na isinampa laban sa kanya ng actor-host na si Vic Sotto.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Raymond Fortun, legal counsel ng filmmaker, matapos ang arraignment sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 203.
Sinabi ni Fortun na ang susunod na hearing ay sa Aug. 19, araw ng Martes.
Nag-ugat ang kaso ni Yap matapos ipalabas ang teaser ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” noong Jan. 1, kung saan nabanggit ang pangalan ni Sotto.