NAGPAKITA ng solid teamwork sa Grass Courts ng Birmingham WTA 125 Tournament sa England ang tambalan nina Filipina Tennis Star Alex Eala at Swiss Tennis Player Rebeka Masarova.
Gayunman, hindi naging sapat ang kanilang performance para matalo ang mas may karanasan at Second-Seeded pair nina Ellen Perez at Storm Hunter sa First Round ng tournament.
Nagtapos ang Doubles match pabor sa Australian Duo sa score na 6-4, 6-4.
Ito ang unang Grass Event ni Eala kasunod ng Clay Court Season.