LUMAGDA ang pamahalaang lungsod ng Calbayog ng Memorandum of Agreement (MOA) sa mga Barangay Payahan, Oquendo, San Policarpo, Tinambacan Sur, at Trinidad sa City Hall Compound, kahapon.
Ang kasunduan ay simbolo ng nagkakaisang commitment para sa pagbuti ng Solid Waste Collection and Management sa mga komunidad.
Alinsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, isinapormal sa pamamagitan ng MOA ang magkatuwang na responsibilidad sa pagitan ng City at Barangay Governmenments.
Ito ay upang matiyak ang mas malinis na kapaligiran, mas maigting na Ecological Awareness, at pagbuti ng Operational Systems para sa Waste Disposal.
Binigyang diin ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy na Intergovernmental Cooperation ang susi upang makamit ang Sustainable Development Goals.