MATAPOS manatili ng dalawang buwan sa isang Private Beach, ibinunyag ni Kris Aquino na sasailalim siya sa Preventive Isolation sa loob ng anim na buwan.
Sa kanyang Instagram page, kahapon, sinabi ni Kris na naka-base siya ngayon sa compound ng kanilang pamilya sa Tarlac.
ALSO READ:
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Lead stars ng ‘Tangled’ live-action remake, pinangalanan na
Inamin ng Multimedia Personality na sinadya niyang matagal na hindi mag-upload dahil kapag isiniwalat niya ang mga nangyayari sa kanyang kalusugan ay itigil ng iba ang pagdarasal dahil patuloy sa pagdami ang kanyang Autoimmune Diseases.
Idinagdag ni Kris na napakahirap tanggapin na sa bawat gabi na matutulog siya ay tila wala nang naghihintay na bukas para sa kanya.
