NAG-HOST ang Calbayog City Disaster Risk Reduction and Management Office ng seminar na tinawag na “Science of Disaster, Typhoon Tracking, and Earthquake Preparedness”.
Ang seminar na isinagawa kahapon sa Red Iron Hotel ay dinaluhan ng Disaster Management Officers mula sa iba’t ibang Local Government Units sa Samar at isa mula sa Northern Samar, kabilang ang mga kinatawan mula sa National Offices at Department Managers ng Calbayog City.
Winelcome ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang mga lumakahok at pinasalamatan ang ang iba’t ibang Local Government Units at offices sa kanilang suporta.
Sinabi ni Uy na mas malaki na ang ginagampanang papel ngayon ng DRRMO ng lungsod, lalo na sa pagpa-plano at implementasyon ng mga aktibidad at iba’t ibang events.
Idinagdag ng Alkalde na bagaman kulang sa kagamitan at iba pang pasilidad ang lungsod para sa Disaster Management, mayroon naman itong sapat na datos na mahalaga para sa policy and decision making.