5 December 2025
Calbayog City
Local

Calbayog City, kauna-unahang lungsod sa Eastern Visayas na idineklarang Rebel-Free

IDINEKLARA ang Calbayog City sa Samar bilang kauna-unahang lungsod sa Eastern Visayas na mayroong Stable Internal Peace and Security Condition (SIPSC) o tuluyan nang nakalaya mula sa banta ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Mayor Raymund “Monmon” Uy na sa pamamagitan ng deklarasyon ng estado ng lungsod, napatunayan na hindi na bahagi ng kanilang problema ang insurhensiya.

Sa kanyang talumpati, kumpiyansa si Mayor Mon na mapaninindigan nila ang estado ng lungsod sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga iniluklok na opisyal at mga residente, para mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad.

Ang Calbayog ang una sa pitong lungsod sa Eastern Visayas na idineklarang insurgency-free kasunod ng pagpasa ng resolusyon ng city council, batay sa panukala ng City Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).