DUMALO si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Recognition and Send-Off Ceremonies na ginanap sa Sports Center sa Barangay Monbon, Sta. Margarita, Samar, upang ipakita ang kanyang commitment sa public safety.
Ang event, na kinabibilangan ng send-off ng R-PSB Units sa iba’t ibang mga lokasyon, ay nagsilbing matibay na simbolo ng dedikasyon ng pulisya sa pagsisilbi sa mga komunidad.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Present din ang matataas na opisyal ng pulisya, kabilang sina Police Brig. Gen. Reynaldo Pawid, Regional Director ng PRO-8, at Police Colonel Antonietto Eric Mendoza, Provincial Director ng Samar Police Provincial office.
Ang R-PSB Units ay idineploy sa mga Barangay Salvacion, Langoyon, Helino, at Villahermosa sa Calbayog City, pati na sa munisipalidad ng Sta. Margarita, Samar.
Binigyang diin sa naturang aktibidad ang pagtutulungan ng mga local leaders at law enforcement agencies upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.
