NASA ilalim ngayon ng State of Calamity ang Calbayog City, matapos ang pananalasa ng Bagyong “Opong.”
Ayon sa Calbayog City Public Information Office, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang deklarasyon ng State of Calamity, kahapon, kasunod ng rekomendasyon na isinumite ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
MSMEs sa Eastern Samar, naghahanda na para sa Bahandi Trade Fair 2025
Ciudad san Calbayog, iguin pailarom na sa State of Calamity
4 sa 10 sambahayan sa Eastern Visayas, nakaranas ng Food Insecurity – Survey
1.3K na mga barangay sa Eastern Visayas, pinag-iingat sa Landslides at mga pagbaha dulot ng Bagyong Opong
Ang Special Session na pinangunahan ni Vice Mayor Rex Daguman ay isinagawa bilang tugon sa kahilingan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy na aksyunan ang deklarasyon.
Layunin ng pagdedeklara ng State of Calamity na pabilisin ang Disaster Response sa Calbayog City.
Nanalasa ang Bagyong Ompong sa lungsod noong Biyernes, at nagdulot ng malaking pinsala sa mga imprastraktura at ari-arian, partikular sa Coastal Area at Relief Operations.
Nakatakda namang i-release ang kopya ng naturang resolusyon ngayong Lunes.